Malaki ang takot ko sa mga dentista! Kung ano man ang nangyari nung aking kabataan na naging sanhi nito, hindi ko alam. Basta ang alam ko, takot ako sa dentista. Kaya imagine na lang ang pagkagitla ko ng tingnan ko ang aking Outpatient Form para sa medical certificate na nagsasabing kailangan kong magpatingin sa dentista!!!
Ganito kasi yun, kailangan ng medical certificate para maka-apply ako for graduate school. Sa totoo lang ay hindi na ako bumabata at sa kasalukuyan ay di ko rin masyadong gusto ang tinatakbo ng aking career. Malaki nga ang sweldo, pero wala naman akong napapala. Ang pilosopiya ko sa buhay ay dapat, sa bawat araw at bawat linggo, may matutunan akong bago. Di naman ako madamot sa kaalaman kaya ayoko rin sa mga madadamot sa kaalaman.
Well, not really in that sense pero ayoko lang talaga yun naka-tengga ka lang sa isang sulok at ang kausap mo ang iyong computer. Sino naman ang nakaisip na porke librarian ka e dapat sa isang sulok ka lang? At sino din naman ang nakaisip na porke yun ang tinapos mo, e yun na ang dapat mong kalagyan habang ikaw ay nabubuhay? Have you even heard or professional growth?!?!?!
Haaayyyy... siyemper nag-aangas na ako dito. Pero yun nga ang point ko. Kesa naman mabulok ako sa kangkungan hanbang naghahanap ng masmagandand oprtunidad, naisip kong mag-aral na lang muna. Hindi pala lang muna, naisip kong mag-aral. Mas mainam iyon para sa aking katinuan. At least dun may challenge.
Balik tayo sa medical certificate. So yun nga, nakakatatlong balik na ako sa Infirmatay ng UP at sa awa ng langit, di pa rin ako tapos. Daig ko pa ang nag-eenrol sa undergad. At least nun di ako pinahirapan ng masyado... hehehe
Kaya hayun, inisa-isa ko ang mga nakasulat sa papel: X-ray validation, tapos lab, tapos public health, tapos ang pinakatatakutan ko sa lahat-- DENTAL!
Pagpasok ko sa dental clinics, nag-dalawang isip pa ko. Una, di ko alam ang gagawin (tatanga-tanga ika nga) at pangalawa, di ko talaga masyadong gusto dun. Minsan na kong binunutan ng ipin at hindi siya masaya. Iniabot ko ang aking outpatient form at saktong lalabas na sana ako ng biglang may dumating na dentista. Ang sabi tuloy na ko... Schuck!!! Malas talaga! Pinaupo ako sa silya at yun, nag-umpisa na ang pandadaot. Inaasahan ko naman na yun at sa totoo lang, natatawa ako. Nakita niya kung gano kaganda ang aking mga ipin. Hahahaha
Sa madaling sabi natapos ang check up at pagtingin ko sa papel ko, may nakalagay sa space na katabi ng dental... poor! Iiling iling si Dr. Dentist at sinabi sa kin na bumalik daw ako para mag-pabunot at palinis ng ipin. Sayang naman daw...
Oo nga naman. Sayang, ang guwapo ko pa naman. Ang tanong, parating ang asawa ko sa isang lingo. Kung magpapabunot ako, ibig sabihin makirot... hmmm... gusto ko pa bang bumalik dun?
Malapit ng matapos ang buwan at matagal-tagal din mula nung last akong nagsulat sa Blog ko. Hmmm... bakit nga ba? Wala lang, ang dami kasing nangyari na gusto kong isulat kayal ng pag uumpisahan ko na, bigla naman akong sinusumpong ng katamaran. hehehe
Yun lang, classic case ng katamaran kung bakit ako hindi naka-pag sulat sa Blog na ito. Well, ayaw ko naman itong maging internet junk na tipong inumpisahan tapos ay hindi na babalikan kaya heto. Ako ngayon ay muling nabuhay upang magbigay buhay sa kung anu-ano pang mga bagay-bagay. Pwedeng masaya, pwedeng malungkot, pwedeng kapaki-pakinabang, pwede naman ding angas lang.
Yun nga lang, di na magiging madalas ang aking pagsusulat sa wikang Ingles. Medyo dumudugo na kasi ilong ko kaiisip kung ano ang translation ng alin. At isa pa, napag-isip-isip ko sa aking pakikisalamuha sa kung kani-kanino at pag-ikot na rin sa iba't ibang panig ng mundo, wala nang mas sasarap pa sa pag-gamit ng sariling wika sa pakikipag-usap at pagsasabi ng iyong mga saloobin. Pasensyahan na lang muna sa mga hindi nakakaintindi ng Tagalog. Ganun talaga ang mundo, you cannot always be global. Leave something to yourself naman.
Anyway, yun lang, gusto ko lang sabihin na I am back. And I am here to stay! Pasensyahan na lang sa mga matamaan... Wahahaha
