Uuwi na siya

Excited na ko...

Malapit na kasi umuwi ang asawa ko. Three months ago, Lunes din yun, hinatid ko siya sa airport para pumunta ng Geneva, Switzerland. Natanggap kasi siya sa isang internship at tatlong buwan din yun. Nung una, ayaw niya sana umalis. Natanggap kasi siya dun bago pa kami ikasal. Pero nun huli, napag-isip isip namin na para din sa ikabubuti namin yun, lalo na siya.

Aminin na natin, opportunities like those don't just fall off trees! Kaya yun, nagtuloy na rin siya. Nung una, siyempre malungkot. Nataon din na nung unang buwan na kaming magkahiwalay ay wala din ako sa Pilipinas. Sobrang lungkot ng pakiramdam lalo pa't nasa magkabilang panig kayo ng daigdig ng mahal mo. Ang hirap yata, naalala ko pa nun nag-iiyakan kami sa telepono at kakabadtrip pa yun pay phone kasi ang hirap gamitin. O dahil di lang ako nakakaintindi ng Espanyol?

Basta yun! Mahirap talaga. Pagbalik ko ng Pilipinas, wala akong uuwian sa bahay. Totoo pala yun dramang coming home to an empty house. Malungkot. Wala kang kausap. Wala kang magawa. Nakakasawa yung apat na pader ng bahay mo lalo pa kung ang bahay mo ay sinliit ng bahay ng posporo kagaya ng sa amin. Tatlong buwan din akong nagtiis ng ganun. Kumakain ng kung anu-ano dahil wala naman point ang magluto ng hpaunan kung ikaw lang ang kakain. O kaya ay magpunta sa mall at manuod ng sine kung wala ka naman makakausap matapos yun. Drama no? Ganun talaga!

Pero ngayo, excited na ko. Malinis na ang bahay pati ang banyo. Ang ref naman ay malinis na nung isang lingo pa! Bukas naman ako ay mamamalengke ng pagkain at oras na para muling punuin ang aming supply ng pagkain. Kasi parating na siya. At pagdating niya, magkakaroon na uli ng liwanag dito sa bahay, at siyempre, sa aking buhay.

Excited na ko!!!


0 Response to "Uuwi na siya"